MAS mababa na sa 200 ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Nadagdagan pa ng 12 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa kapulisan kaya umakyat na sa 42,088 ang kabuuang kaso ng virus infection sa pambansang pulisya.
Sa nasabing bilang, 182 ang aktibong kaso o patuloy pang nagpapagaling.
Tumaas naman ang bilang ng recoveries o gumaling sa sakit makaraang madagdagan ito ng 17.
Nananatili naman sa 125 ang bilang ng mga nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.