Mga aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga pulis, umabot na sa mahigit 80

Share this information:

MULI na namang umakyat ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP) nang makapagtala ito ng 88 na bagong kaso.

Dahil dito, mayroon na ngayong kabuuang bilang na 48,992 ng mga tinamaan ng virus sa hanay ng kapulisan.

Nasa 48,775 naman ang kabuuang bilang ng mga naka-recover at nasa 129 naman ang mga pumanaw dahil sa impeksiyon.

Matatandaan na nitong Abril, nakamit na ng PNP ang zero case record.

Samantala, muling nagpaalala ang PNP sa mga tauhan nito at maging sa publiko na laging magsuot ng face mask, maghugas o mag-sanitize ng kamay, sumunod sa health protocols at palakasin ang immune system bilang pag-iingat laban sa COVID-19.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.