DA, hindi makakaiwas sa pagbabawas ng mga kawani nito

HINDI maliligtas ang Department of Agriculture (DA) sa tinatawag na “rightsizing” o iyong pagbabawas ng mga kawani.

Ito ay kahit pa maraming trabahong nakaatang sa kagawaran na pinatatrabaho ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na siya ring tumatayo bilang Kalihim ng DA.

Sa kanyang pakikipagpulong kahapon sa mga opisyal ng DA, sinabi ni Marcos na tatalakayin din niya sa mga ito ang paksa ng “rightsizing.”

Ayon sa pangulo, may utos na siya sa lahat ng departamento ng pamahalaan na magpatupad ng “streamlining or rightsizing” para maitaguyod ang mas epektibong pangangasiwa sa public sector at makapaghatid ng mas mahusay na serbisyo publiko.

Dahil siya rin ang pansamantalang pinuno ng DA, idinagdag nito na kailangan din niya itong gawin sa sariling departamento na kanyang pinangangasiwaan.

Sa isang naunang pahayag ng Civil Service Commission, pag-aaralan pa kung ilang mga ahensiya at posisyon sa gobyerno ang kailangang buwagin dahil sa pagkaka-pareho ng trabaho.

Sa isa ring nauna nang pag-aaral na ginawa ng National College of Public Administration and Governance (NCPAG) noon pang 2020, lumabas na mahigit sa 44,000 mga posisyon sa pamahalaan ang dapat na lusawin.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.