Media, ipapasok na rin sa priority list ng COVID-19 vaccination

MAPAPABILANG na rin sa priority list ng gobyerno na kailangang mabakunahan laban sa COVID-19 ang mga media worker sa bansa.

Nabatid mula kay testing czar Secretary Vince Dizon na nakatakdang repasuhin ng National Economic Development Authority (NEDA) ang listahan at isasama na sa A4 priority list ang mga mamamahayag.

Naniniwala si Dizon na kabilang ang media sa mga maituturing na frontliner sa gitna ng pandemya.

Sa kasalukuyan, kabilang sa A4 priority list ang mga nasa sektor ng transportasyon, security, grocery, palengke, religious sector, hotel at iba pa.

Una na ring kinilala ng ilang senador ang papel ng media ngayong pandemya dahil kahit delikado ay patuloy ang mga ito sa pagtatrabaho upang maibahagi sa publiko ang mahahalagang impormasyon patungkol sa COVID-19.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.