Media group sa MPD, nagsagawa ng community pantry

Share this information:

NAGSAGAWA ng community pantry ang samahan ng mga mamahayag sa Manila Police District (MPD) para sa 150 homeless o mga nakatira lamang sa mga kalye malapit sa MPD headquarters.

Mismong si MPD Director Brig. General Leo “Paco” Francisco  ang nanguna sa pamamahagi ng food packs kasama ang mga miyembro ng MPD-Press Corps.

Nasa mahigit kumulang 170 naman ang nabigyan ng food packs na naglalaman ng tubig, biscuit, noodles at iba pa.

Bukod sa food packs, may inihanda ring pagkain na pansit ang grupo na pamatid-gutom at pang-almusal.

Pinasalamatan naman ng MPD Press Corps ang Goodfellow Foundation at Brixton Hills Volunteer Fire Brigade Association na siyang nagdonate  ng mga ipinamahaging food packs.

Sa proyektong ito, natuwa  naman si Gen. Francisco sa naging inisyatibo ng asosasyon dahil ang MPD-Press Corps ay nakasilong sa mismong compound ng MPD headquarters.

Ginawa ang aktibidad bilang bahagi na rin ng pagdiriwang ng ika-450 na Araw ng Maynila. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.