MECQ sa Metro Manila, fake news – NCRPO

Itinuturing ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na pekeng balita ang kumalat sa social media na kopya ng memorandum para ideklara ang modified enhanced community quarantine sa metro manila.

Diin ni NCRPO acting director Police Brigadier General Vicente Danao, tanging ang Inter-Agency Task Force (IATF) lamang ang maaaring makapagdesisyon patungkol sa quarantine classification ng isang lugar.

 “Actually, it is an unsigned memo. So, definitely it is not an official document. It is only the IATF ang nag-a-announce niyan,” ayon kay Danao.

 “Kung meron po tayong sasabihin, it is just a recommendation from our part. Definitely po, ‘yung lumalabas na memo is a fake news,” dagdag nito.

Nakasaad sa memo ay nag-aatas na magpakilos ng mga dagdag na tauhan para sa implementasyon ng MECQ sa Metro Manila.

Gayuman, sinabi ni Danao na nagpakilos ng karagdagang mga pulis ang NCRPO upang tiyakin na nasusunod ang health protocols at maiwasang kumalat pa ang COVID-19.

Naghigpit din aniya ng seguridad upang mapigilan ang ano mang kriminalidad at terorismo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.