NAKALABAS na ng ospital si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso matapos ang kanyang sampung araw na pagkakaospital dahil sa COVID-19.
Dinala sa Santa Ana Hospital si Domagoso nang magpositibo sa COVID-19 at makaramdam ng mga sintomas tulad ng sipon, ubo at pananakit ng katawan. Sa ika limang araw nito sa ospital, nawalan ito ng panlasa at pang-amoy bagamat bumubuti naman ang kanyang kondisyon.
Nuong Agosto 15 nang ideklarang nagpositibo ang alkalde sa COVID-19 at agad na nagpadala sa ospital bilang bahagi na rin ng health protocol na ipinatutupad ng gobyerno.
Pinasalamatan naman ng alakalde ang mga hospital staff na walang sawang nakasubaybay, nakabantay sa kanyang kalusogan habang siya ay naka-quarantine ng ilang araw.

Binigyan din ito ng certificate na patunay na siya ay isang COVID-19 survivor.
Bagamat nakalabas na ng ospital, bubunuin pa ng alkalde ang nalalabing tatlong araw nitong home quarantine.
Paalala naman ng alkalde sa publiko, mag-ingat at lagi tandaan ang pagsunod sa minimum public health standards upang makaiwas na mahawaan o magsakit ng COVID-19 lalo na ngayong pinalala pa ito ng Delta variant sa bansa.

