Mayor Domagoso, pinangunahan ang groundbreaking para sa COVID-19 field hospital sa Maynila

Share this information:

Pinangunahan ngayong Martes ni Manila Mayor Francisco Domagoso ang groundbreaking ceremony ng itatayong 336-bed capacity COVID-19 field hospital sa  Luneta Park.

Kasama ni Domagoso sina Manila Vice Mayor Ma. Shielah “Honey” Lacuna-Pangan at iba pang mga opisyal ng gobyerno tulad nina National Task Force (NTF) Against COVID-19 Chief Implementer Sec. Carlito Galvez Jr., NTF Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Sec. Vivencio Dizon, Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, at Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Ayon sa alkalde, ang naturang  mobile hospital ay ilalaan para sa mga  mild at  moderate COVID-19 cases.

We have some way of how to heed the call of the national government para ma-unclog yung ating hospital capacity at mabawasan yung mga insidenteng namamatay sa triage or tent or parking space,” ayon kay Domagoso.

We will approach this inclusively because this is an universal problem. We cannot give up, hindi tayo susuko,” aniya pa.

Dumating din sa seremonya  sina Department of Public Works and Highway Usec. Enil Sadain, Department of Health Asec. Romeo Ong M.D., and Metropolitan Manila Development Authority General Manager Jojo Garcia.

Ayon kay Domagoso, ang P154-million field hospital ay inaasahang matatapos sa loob lamang ng dalawang buwan. Dagdag pa ng alkalde, kung kinakailangan ay magdaragdag pa ng 100 beds.

We can prepare Metro Manila for the next 5 months, in a bad situation, or not so bad, or not so good for the remaining of the year with regard to COVID bed availability for our mild and moderate so that we can help the doctors, nurses, the medical frontliners,” pahayag ni Domagoso.

We will try to equip them so that they can continue to serve with efficiency and with the help of diagnostic machineries,” dagdag pa nito.

Maglalagay naman ng 150 medical frontliners sa mobile hospital na siyang magmomonitor sa mga COVID-19 patients.

Ang modular container din aniya ay magkakaroon ng inter-communication sa pagitan ng pasyente at medical frontliners, internet connection, at airconditioning. Hiwalay naman ang pasyenteng babae sa mga lalaking pasyente at ang mga oxygen tank casing ay naka-standby  sa bawat modular container.

May awa ang Diyos, sana marami tayong masurvive. Nobody will be left behind, kaagapay niyo ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila,” ayon pa kay Domagoso. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Cash aid distribution deadline extended

Tue Apr 20 , 2021
TAKING cue from the mounting clamor of local executives, Malacañang announced an extension on the deadline in which local government units (LGUs) may be able to distribute the aid meant to help 22.9 million low-income earners from Metro Manila and four adjoining provinces within a reasonable timetable. “In-extend ang deadline […]

Follow Us

%d bloggers like this: