Maynila, susuportahan ng Phil Navy sa COVID-19 vaccine rollout

Share this information:

Nagpahayag ng pagsuporta kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang Philippine Navy para sa vaccination rollout ng COVID-19 sa lungsod.

Ito ay kasunod ng naging pagpupulong ni Domagoso kasama si Col. Ivan Papera ng Joint Task Force-National Capital Region (JTF-NCR) OIC at  Commanding Officer ng Naval Task Group  kasama ang iba pang top  JTF-NCR officials.

Sa naturang pulong, sinabi ni Domagoso na tinatanggap niya ang karagdagang seguridad na inaalok sa panahon ng proseso ng pagbabakuna.

Aniya, isang kritikal na elemento sa vaccine rollout ang pagtransport ng bakuna mula sa storage  facility sa Sta. Ana hospital patungo sa itinalagang vaccination sites sa buong lungsod.

“Malaking bagay especially [sa] security ng bakuna, kasi yung transport from our storage facility sa Sta. Ana,”  ayon sa alkalde kung saan sinabi pa na ang deployment sites ay maaring  18 hanggang 27 sites depende sa bilang ng bakuna.

Bukod sa karagdagang seguridad sa vaccination rollout, mungkahi rin ni Papera ang joint simulation exercise kasama ang Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa preparasyon ng  “The Big One” at iba pang posibleng sakuna. 

Ipinaliwanag ng opisyal na sa worst-case scenario matapos ang malakas na  lindol, maraming istraktura ang magko-collapse.

“As such, the only option would be to set up the command post in the water.” ayon pa kay Papera.

Kasama rin sa nasabing pagpupulong sina  Capt. Julius Valdez, PN; Lt. Col. Ramil Holgado, PN; at Ens. Jerick Naval, PN.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Rate decrease seen for March 2021 -- Meralco

Sat Feb 27 , 2021
Utility firm Manila Electric Company (Meralco) hinted that there is a strong possibility of power rate reduction for March 2021. Joe Zaldarriaga, Meralco spokesperson and head of Corporate Communications, told Frontpageph.com that they are still waiting the final bills from their power suppliers. But based on initial projections, he said […]

Follow Us

%d bloggers like this: