Maynila, inilabas ang ruta para sa Manila Summer Pride 2023

Share this information:

NAG-ABISO na ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa ruta ng idaraos na parada at konsyerto bukas para sa “Bekshie ng Maynila” — Manila Summer Pride 2023.

Ayon sa Department of Tourism, Culture and Arts o DTCA ng lungsod, ang parada ay magsisimula sa Arroceros Forest Park at pagkatapos ay didiretso sa Antonio Villegas Street, kaliwa sa Natividad Lopez Street, diretso sa San Marcelino Street, kanan sa Ayala Boulevard, kanan sa Taft Avenue, kanan muli sa Antonio Villegas Street, pagkatapos ay kaliwa sa Cecilia Munoz Street hanggang sa makarating sa Bonifacio Shrine.

Magsisimula ang parada alas 4 ng hapon at magkakaroon ng konsyerto pagkatapos kung saan tampok ang  iba’t-ibang artists.

Ang Bekshie ng Maynila ay sinimulan noong 2019 ni dating Manila Mayor Isko Moreno.

Nakatutok ang pagdiriwang para sa mga kababayang miyembro ng LGBTQIA+ organization, at para maisulong ang “equality, inclusivity” at iba pa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.