Manila LGU magsasara ng ilang kalsada para sa RUN 2024

Share this information:

Ilang kalsada sa lungsod ng Maynila ang isasara sa lahat ng motorista sa darating na araw ng Sabado at Linggo (February 3 at 4,) para sa gaganaping Run 2024.

Sa inilabas na traffic advisory ng Manila LGU at Manila Police District (MPD), tinatayang halos 40,000 indibidwal mula sa Manila, Cagayan de Oro at Iloilo ang dadalo sa nasabing aktibidad.

Partikular na isasara ang sumusunod na mga pangunahing kalsada simula 10:00 p.m. ng Sabado (Feb. 3) hanggang 8:00 a.m ng Linggo (Feb. 4):

  1. Bonifacio Drive mula Anda Circle hanggang Katigbak Drive.
  2. Katigbak Drive at South Drive
  3. Roxas Blvd. mula Katigbak Drive hanggang Pres. Quirino Ave.
  4. Ma. Orosa St. mula Gen. Luna (Gate) hanggang Kalaw Ave.
  5. Finance Rd. mula P. Burgos Ave. hanggang Taft Ave.
  6. East at West bound lane ng P. Burgos mula Taft Ave. hanggang R. Blvd
  7. Muralla St. mula sa Sta. Lucia St. hanggang Gen. Luna St.
  8. Binondo-Intramuros bridge mula Muelle Dela Industria hanggang A. Soriano Ave.
  9. Gen. Luna St. mula Muralla St. hanggang Real St.
  10. Real St. mula sa Sta. Lucia hanggang Solana St.
  11. Victoria St. mula Gen. Luna St. hanggang Solana St.
  12. Solana St. mula Victoria St hanggang A. Soriano Ave.

Kaugnay nito ay magpapatupad ng traffic rerouting scheme ang lokal na pamahalaan para sa mga motorista.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.