Mangingisda, patay sa pagsabog ng kalan sa fishing boat

Share this information:

NASAWI ang 42-anyos na lalaki makaraang sumabog ang ginagamit nitong kalan habang nasa laot na sakop ng Limay, Bataan.

Nabatid mula kay Police Major Gerald Bautista, hepe ng Limay Police, ang pagkakakilanlan ng biktimang si Jionito Papiona, residente ng Riverside, Barangay Lamao, Limay, Bataan. 

Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya na pumalaot para mangisda ang biktima nuong Biyernes kasama ang kapwa rin mangingisda na si Marvin Rodrigo.

Habang naghahanda umano ng kanyang lulutuin ay sinindihan nito ang kanyang “super kalan” na katabi ng kanyang reserbang gasolina at makalipas ilang minuto ay sumabog ang kalan.

Tumilapon sa dagat si Papiona matapos masabugan habang nasugatan si Rodrigo.

Dakong ala-una na ng tanghali ngayong araw nang matagpuan ng mga otoridad ang wala nang buhay na katawan ni Papiona.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.