Mandatory use ng face mask, posibleng ipatupad muli sa Maynila

Share this information:

MATAPOS makitaan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila sa nakalipas na linggo, tinitingnan ngayon ng pamahalaang lungsod ang posibleng pagbalik ng mandatory use ng face mask.

Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, may 79 na bagong kaso na naitala sa nakalipas na linggo at karamihan ay mild at asymptomatic.

Bagama’t hindi pa nakakaalarma, sinabi ni Lacuna na mahigpit na nakamonitor ang City Health Department.

Ang nagdaang Holy Week ang isa umano sa dahilan ng muling pagtaas ng kaso kung saan maraming residente ang nagpunta sa ibang lugar para magbakasyon.

Una nang sinabi ni infectious disease expert Dr. Tony Leachon na tumaas na sa pitong porsiyento ang positivity rate sa COVID-19 o yung antas ng nagpopositibo sa virus sa buong bansa.

Paalala ng eksperto, mainam na magsuot pa rin ng face mask sa mga pampublikong lugar lalo na dahil sa mga kumakalat na bagong sub-variant gaya ng 1.16 o sub-variant “Arcturus.”

Sa Pilipinas, wala pa namang naitatalang ganitong kaso sa ngayon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.