Mandatory na paggamit ng Beep card sa EDSA Busway, sinuspindi

SINUSPINDI ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTRB) ang inoobliga nitong paggamit ng Beep card para sa mga pasahero ng EDSA Busway.

Simula ngayong araw, Oktubre 5, may opsyon na ang mga pasahero na gamitin ang kanilang Beep card o magbayad ng cash.

Ito ay makaraang tanggihan ng AF Payments, Inc., ang provider ng automatic fare collection system (AFCS) sa EDSA Busway, na i-waive o huwag pabayaran ang halaga ng Beep card sa mga pasahero sa gitna ng apela ng gobyerno.

“We are saddened by the refusal of AF Payments, Inc., the provider of the automatic fare collection system (AFCS) at the EDSA Busway, to waive the cost of the beep card despite consistent pleas made by the government. This would have made a big difference to the commuters, mostly daily wage earners who are the most affected by the COVID-19 pandemic,” ayon sa kalatas ng LTFRB.

Para sa mga magbabayad ng cash na pasahe, kokolektahin ito ng EDSA Bus Consortia sa mga istasyon.

“These personnel will be wearing appropriate face shields, face masks, and gloves to prevent the transmission of COVID-19,” ayon pa sa LTFRB.

Samantala, inihayag naman ng EDSA Bus Consortia na maghahanap na rin sila ng ibang AFCS provider na makapagbibigay ng solusyon sa kasalukuyang problema patungkol sa pagbili ng Beep card. Itinakda ang kanilang pulong sa Martes.

Una nang inireklamo ng mga commuter ang nagmahal na presyo ng Beep card na nabibili ng P180 na may kasamang P100 na load.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.