Malaking pagbaba ng mga bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Navotas

Share this information:

NAITALA ng Navotas ang pinakamalaking pagbaba ng porsyento sa mga bagong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) bawat araw sa lahat ng mga local government unit sa Metro Manila.

Nag-post ang Navotas ng -76 percent na pagbaba sa average daily attack rate (ADAR), ayon sa OCTA Research Group.

Mula sa tuktok ng 137, ang daily cases ng lungsod ay bumulusok pababa sa 33.

Ang mga statistics na inilabas ng OCTA Research Group ay batay sa 7-araw na average mula Abril 25 hanggang Mayo 1 kumpara sa pinakamataas na 7-araw na average ng mga LGU.

We attribute this milestone to the hard work of all our frontliners as well as the aggressive contact tracing, testing, isolation, treatment and monitoring of our patients–from the time they become close contacts to the time we receive their test results or they complete their isolation period,” ani Mayor Toby Tiangco.

Ayon sa OCTA Research Group, ang ADAR na higit sa 10 ay itinuturing pa ring mataas.

Kailangang bawasan ito ng mga NCR LGUs na mas mababa sa 10 porsyento sa loob ng susunod na dalawang linggo upang ilipat ang rehiyon sa moderate risk classification.

Nagtala ang Navotas ng 1,456 na mga aktibong kaso noong Abril 5, ang pinakamataas na bilang para sa taong ito. Noong Mayo 2, naitala ng lungsod ang 428 mga aktibong kaso, 331 ang namatay, at 9,752 ang narekober.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

COVID-19 update: New COVID cases on 2-day

Wed May 5 , 2021
A day after registering its lowest count in weeks, new COVID-19 cases in the country continued a mini downward slide, according to latest data from the Department of Health (DOH). Based on the DOH COVID-19 Case Bulletin # 417, there were 5,685 new COVID-19 cases registered today, May 5, 2021, […]

Follow Us

%d bloggers like this: