Breaking News

Share this information:

MALAPIT nang ideklara bilang opisyal na isang Cultural Heritage Zone ang Malabon City kasunod ng pagpasa ng isang panukalang batas na inihain ng nag-iisang kinatawan nito sa Lower House of Congress.

Inihayag ni Rep. Jaye Lacson-Noel ang balita sa isinagawang turn-over ceremony na pinangunahan nina Mayor Antolin “Lenlen” Oreta III, National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. Gen. Vicente Danao Jr. at Northern Police District (NPD) Director Brig, Gen. Jose Hidalgo Jr. ang pagtanggap kay P/Col. Albert Barot bilang bagong hepe ng pulisya ng lungsod at pinalitan nito si Col. Joel Villanueva.

Sinabi ng mambabatas ng Malabon sa mga miyembro ng media na ang kanyang House Bill 8831 o “An Act Establishing a Heritage Zone within the City of Malabon, Metropolitan Manila” ay naipasa ng kanyang mga kasamahan sa third reading at agad itong ipinadala sa Senado para sa pag-apruba.

I am so gratified by the support of my colleagues including those who co-sponsored and the entire House members for the passage of this bill that would soon declare the city of Malabon as a Cultural Heritage Zone,” aniya.

Once the Upper Chamber approves a counterpart bill, the same will be submitted before the Office of the President for the final approval or signature of President Rodrigo Duterte before the city is officially declared a cultural heritage zone,” paliwanag ni Lacson-Noel.

Aniya, ang isang heritage zone ay tumutukoy sa historical, anthropological, archaeological at artistic geographical areas at mga setting na may katuturan sa kultura ng bansa.

Sinabi pa ni Cong. Lacson-Noel na bukod sa historical structures, ang Malabon ay kilala rin bilang “City of Taste” na may sikat na “Pansit Malabon,” iba’t ibang “kakanin” o malagkit at iba pang mga masasarap na pagkain.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: