Makati City, naglaan ng P1-B budget para sa Covid vaccine

Naglaan ng P1-bilyong budget para sa pagbili ng Covid-19 vaccines ang Makati City government upang masiguro na mababakunahan ng libre ang lahat ng mga residente ng siyudad ng Makati.

Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, sinabi nito  na nakikipag-ugnayan na ang Makati City officials kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. at sa Covid-19 Inter-Agency Task Force (IATF) para isapinal na ang detalye sa pagbili ng bakuna at sa isasagawang mass vaccination.

“This is our number one priority for 2021. I want each and every Makatizen to receive both doses of the coronavirus vaccine for free to protect them and their families against the virus,” sabi ni Mayor Abby.

“We’ve seen the damage it can do both to human lives and our economy. After everything we’ve lost this year, we will do whatever it takes to protect our residents, employees, and our business community,” dugtong pa ng alkalde.

Hihilingin din ni Mayor Binay sa City Council na magpasa ng isang supplemental budget  sa sandaling makuha na sa IATF ang “go signal.”

“We will exhaust all means to get the much-needed vaccines early and have all Makatizens vaccinated. The city will also assist companies and businesses that would like to buy vaccines for their employees and workers. We are aiming for 100 percent vaccination in Makati,” ani pa ng opisyal.

Aniya, ang mga paghahanda para sa pagpaparehistro sa online ay isinasagawa upang matiyak ang ligtas at maginhawang pag-access ng Makatizen sa libreng pagbabakuna laban sa Covid-19.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.