Pinagpapaliwanag ng Department of Tourism (DOT) ang City Garden Grand Hotel sa Makati City kung bakit hindi sila dapat suspendehin kaugnay sa pagtanggap ng mga bisita sa hotel kahit na hindi pa sila pinapayagan.
Ito ay kasunod ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera nitong Bagong Taon kung saan nag check-in ang biktima at mga kaibigan nito para magdaos ng New Year’s Party.
Binigyan ng show cause order ng DOT ang naturang hotel dahil hindi umano maaring tumanggap ng guests ang isang hotel na ginagamit din na isolation facility.
Dahil sa pagkamatay ni Dacera, nabunyag ang ginawang pagtanggap ng guests ng hotel sa kabila ng pagbabawal sa kanila.
Magugunitang natagpuang patay si Dacera habang nasa bath tub ng hotel room na kanyang inupahan.
Kinasuhan na ng pulisya ang 11 suspek ng rape with homicide.