Makabagong ‘signal traffic lights’ pinagana na ng MMDA

IPINALIT sa lumang Traffic Signal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kasama ang North Luzon Expressway (NLEX) Corporation, ang tatlong bagong sensor-based traffic signal lights sa NLEX Connector Interchanges sa tatlong magkahiwalay na lokasyon sa Manila at Caloocan.

Ang turnover at ceremonial ay isinagawa na switching ng adaptive traffic signal lights na naka-install sa C3 Road, Caloocan; España Boulevard (sulok ng Antipolo St.); at Magsaysay Blvd. sa Maynila.

Sinabi ni MMDA Chairman Atty. Don Artes, mayroong 143,000 sasakyan ang bumabaybay sa nasabing mga intersection na makikinabang sa smart traffic signaling system.

Ani MMDA chairman , hindi ordinary ang signal lights dahil sinusunod nila ang mga updated na pamantayan ng MMDA at nilagyan ng adaptive signaling system na gumagamit ng mga sensor sa halip na mga tradisyunal na timer.

Ang teknolohiyang ito ay nagbibigay-daan sa real-time na pagsasaayos sa mga kondisyon ng trapiko, na nangangahulugan ng mas mahusay na daloy ng sasakyan at mas ligtas na mga tawiran ng pedestrian.

Binigyan ng kahalagahan ng opisyla ng pagtutulungan sa patuloy na pagsisikap sa pagpapabuti ng pamamahala sa trapiko at pagtataguyod ng kaligtasan sa kalsada sa kalakhang lungsod.

Sinabi ni Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) Chief Regulatory Officer Arrey Perez na ang bago at modernong signal lights ay magsisilbing pagpapabuti ng traffic management, pagpapahusay ng kaligtasan sa kalsada, at pagsuporta sa sustainability.

Samantala, ayon kay Caloocan City Vice Mayor Karina Teh-Limsico na ang pagkakaroon ng adaptive signal lights ay makatutulong upang matugunan ang problema ng trapiko sa kanilang lugar.

Ayon pa kay Artes, ganap nang inalis ng MMDA ang mga traffic signal lights na may mga timer at ngayon ay naglagay na ng 90% ng adaptive signal lights na pinatatakbo ng ahensya na nagresulta sa mas maayos na daloy ng trapiko ng sasakyan at mabawasan ang bilang ng mga aksidente sa kalsada.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.