BUMABA ng 22.4% ang congestion rate sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City sa 313 na porsyento noong 2022 hanggang 243 na porsiyento ngayong taong 2025.
Ito ang inihayag ng Bureau of Corrections (BuCor), sa naging midtern accomplishment report ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr., kay Justice Secretary Crispin Remulla, naging posible ito sa pamamagitan ng konstruksiyon ng mga bagong pasillidad at paglilipat ng 11,601 na persons deprived of liberty (PDLs) mula sa NBP patungong ibang operating prison and penal farms.
Sinabi ni Catapang na mula Hunyo 2022 hanggang Hunyo 2025, nasa kabuuang 23,629 PDLs ang pinalaya ng BuCor na lagpas sa unang tatlong taon sa panahon ng nakalipas na administrasyon na umabot sa 41.35 % at nalagpasan din nito ang accomplishment ng nakaraang administrasyon sa mahigit anim na taon ng kanilang termino.
Idinagdag pa ng opisyal na nakamit ang tagumpay dahil sa mahusay na Management Screening and Evaluation Committee (MSEC), epektibong implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA), at pagpapalawak ng access sa parole at executive clemency.
Aniya, bagama’t may mga bagong dormitories na ipinapatayo para pataasin ang kapasidad ng PDLs sa 3,000 beds sa Iwahig, Sablayan, Davao Prison and Penal Farms at Leyte Regional Prison, kailangan ng Bucor ang 32 pang dormitoryo na nagkakahalaga ng P14.6 billion upang pangkalahatang tugunan ang backlog.
“We are very fortunate to be given P6 billion as per directive of the the President for the construction of eight dormitories including the supermax facility in Sablayan,” dagdag ni Catapang.
Samantala, nailipatat na at ligtas ng nakarating sa Sablayan Prison Occidental Mindoro ang nasa 300 pang PDLs mula sa NBP.Nasa 100 Corrections Officers ang nag escort sa mga PDLs na kinabibilangan ng BuCor SWAT, NB Escort Group at Medical personnel kung saan dakong alas-6:30 ng gabi umalis sa NBP ang naturang PDLs patungong Sablayan.

