Main academic building ng PUP, itatayo na — DPWH

Share this information:

INANUNSIYO ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagsisimula ng konstruksyon  para sa bagong main academic building ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) Main Campus sa Sta. Mesa, Manila bilang tugon sa kakulangan ng classroom at learning facilities.

Sa ulat kay Secretary Manuel Bonoan, sinabi ni DPWH National Capital Region (NCR) Director Nomer Abel Canlas na ang itatayong modernong 9-storey main school building ang siyang papalit sa lumang istraktura na isang anim na palapag na gusali bilang tulong sa lumalaking populasyon ng estudyante ng PUP.

We are as excited as the students in the reopening of schools and return of in-person classes, and one of the ways we are welcoming back our Iskolar ng Bayan is by providing them a bigger, better learning environment,” dagdag pa ni Canlas.

Ginanap ang ceremonial groundbreaking na pinangunahan ni DPWH Assistant Secretary Antonio Molano, kasama ang PUP officials at faculty sa pangunguna ni University President Manuel Muhi at Executive Vice President Alberto Guillo.

Ang school building project na ito ay ipapatupad ng DPWH NCR sa magkakasunod na yugto o “phases.”

Ang Phase 1 ay magsisimula sa North Wing, kung saan P187.3 milyon na pondo ang inilaan at tinatayang matatapos sa loob ng isang taon.

(PHOTO CREDIT: DPWH-NCR)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.