Mahigit P6-milyon halaga ng shabu, nasabat sa Taguig

Matapos ang isinagawang follow-up buy-bust operation ng pulisya nakumpiska ang P6.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa 34 anyos na lalaki nitong Huwebes sa Taguig City.

Nasa custodial facility ng Taguig City Police at nahaharap sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na si Rahib Abdul, ng Road 18, Roldan Street, Barangay New Lower Bicutan, Taguig City.

Base sa ulat, ala 1:00 ng hapon ng magkasa ng follow-up operation ang mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) at District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Northern Police District laban sa suspek sa harapan ng 178, M.L. Quezon St., Barangay New Lower Bicutan.

Ang operasyon ay nag-ugat makaraang mahuli ng mga pulis ang walong drug personalities na hinihinalang miyembro ng Onie Drug Group na kumikilos sa Camanava area at masamsam ang 400 gramo ng shabu sa Caloocan City nitong Setyembre 2 at 10.

Wàla nang nagawa pa ang suspek na si Adbul nang hulihin siya ng mga pulis nang bentahan umano nito ng droga ang poseur buyer sa lugar.

Nakuha sa suspek ang isang pirasong vacuum sealed plastic bag na naglalaman ng umano’y 1 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6,800,000; dark brown paper bag;back pack bag; isang yellow Yamaha Mio 125i na may MV File # 0401-0655666 at P1,000 bill kasama ang 149 pirasong P1,000 boodle money na ginamit na buy-bust money sa operasyon.

Dinala ang mga nakumpiskang ebidensiya sa SPD Crime Laboratory upang suriin.

Natuwa naman si NCRPO District Director, Major General Debold Sinas ang matagumpay na nagresulta na mahuli ang suspek.

“I commend the concerted effort of District Special Operation Unit (DSOU) and District Drug Enforcement Unit (DDEU) of NPD in tracking down this drug personality from the notorious drug group and recovering a large amount of suspected illegal drugs from his possession. This successful anti-illegal drug operation once again reflected our commitment to free the Metro from this dangerous and deadly substance,” sabi ni Sinas.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.