30% capacity sa loob ng sementeryo, pinayagan ng LGU ng Calamba

Share this information:

Pinayagan ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Calamba ang 30 porsiyento sa mga dadalaw sa mga sementeryo bago dumating ang araw ng Undas.

Sa anunsyo sa facebook page ni Calamba City Mayor Justin Chipeco, isasara ang puntod magmula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2.

Mahigpit niyang ipapatupad ang pagsusuot ng facemask at face shield para sa mga taong magtutungo roon.

Pinakikiusapan din ng alkalde na ipagdasal na lang ang mga kaluluwa ng mga yumao  sa kanya-kanyang tahanan upang pag-iingat sa kalusugan ng bawat isa.

Samantala sa bayan ng Magdalena, pinapayagang lumabas ng tahanan ang mga senior citizen upang makapag-ehersisyo ng kanilang katawan.

Sa Kautusan Bilang.29 ipinag-utos ni Mayor David Aventurado Jr.ng bayan ng Magdalena, maaaaring magsagawa ng non-contact sport ang mga senior citizen mula alas-5 hanggang ika-7 ng umaga basta sundin lamang ang mga health protocols gaya ng personal hygiene at social distancing.

Ang lalawigan ng Laguna ay nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine o MGCQ mula Setyembre 1 hanggang 31.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.