Breaking News

Share this information:

AABOT sa P4.8 milyon na halaga ng smuggled na sigarilyo ang nasabat ng Bureau of Customs-Customs Intelligence and Investigation Service (BOC-CIIS), kasama ang Enforcement and Security Service-Customs Police Division (ESS-CPD) at ng Philippine National Police 2nd Zamboanga City Mobile Force Company (PNP ZCMFC) mula sa dalawang wooden watercraft o kilala sa tawag na “Jungkong” sa Zambonga City.

Sa operasyon, ang bangka na “M/V Mernalyn Z” ay may lulan na 50 master cases ng iba’t-ibang smuggled na sigarilyo.

Ang isa namang bangka na “M/J AZ-ZHAHIR” ay may lulan namang 87 master cases ng kaparehong produkto.

Sa kabuuan, nasa 137 master cases ng smuggled na sigarilyo ang nasabat mula sa dalawang bangka noong Oktubre 8.

Kinumpiska ang lahat ng smuggled na sigarilyo, pati na rin ang bangka na ginamit sa pag-transport sa mga produkto dahil sa paglabag sa Section 1113 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

(PHOTO CREDIT: customs.gov.ph)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: