Mahigit P1-milyon halaga ng shabu, nasabat sa Pasay City

Nasabat ang nasa P1.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu at armas sa isinagawang buy bust operation ng mga operatiba ng Pasay City Police Drug Enforcement Unit.

Nasa custodial facility ng pulisya ang mga suspek na sina Isabelo Balabat, alyas Biloy,  ,32 at Ferdinand Conde alyas Randy, 63, kapwa nakatira sa Chest Clinic Compound, Barangay 186, Pasay City.

Nakatakas naman ang kanilang kasama na si Kirvy Madeja alyas Banono.

Ayon sa ulat ni Police Cpl. Zeus Rex Magdasoc, imbestigador, alas 10:15 ng gabi ng Lunes, September, 21, ng magkasa ng operasyon ang anti-narcotics personnel sa pangunguna ni Captain Cecilio Tomas Jr. laban sa mga suspek sa 142 Area J Chest Clinic Compound, Bgy. 186 ng nasabing lungsod.

Nakatunog ang suspek na si Madeja sa gitna ng operasyon na pulis ang kanilang katransaksiyon kaya nagawang makatakbo at tuluyang nakatakas.

Nakuha sa mga suspek na sina Balabat at Conde ang dalawang medium size plastic at anim na pakete na naglalaman ng umano’y shabu na nasa 217 gramo na nagkakahalaga ng P1,475,600;24 maliliit na pakete na may lamang 25.1 gramo ng ‘marijuana’ na may halagang P3012; isang Armscor 1911 na may SN16120495;isang magazine na may tatlong rounds ng bala ng caliber 9mm;P1,000 bill na may kasamang 34 pirasong boodle money na ginamit bilang buy-bust money; digital weighing scale at isang green plastic case.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Comprehensive of Firearm and Ammunitions Regulatory Act sa Pasay Prosecutor’s Office.

Samantala, alas-8:20 naman ng gabi ng Lunes nang maaresto ng mga tauhan ng Taguig City Police ang isa pang drug suspect na si Jonel Ibbay, 24 sa Block 41, Lot 13, Purok 4, Bgy.Central Bicutan ng lungsod sa isa pang buy-bust operation.

Nasamsam mula sa suspek ang nasa 24.5 gramo ng umàno’y shabu nagkakahalaga ng P166,600.00 at 3.7 gramo marijuana na may halaga namang P444.00.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 si Ibbay.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.