ARESTADO ng Cavite police ang isang dating Municipal Councilor ng Lanao Del Sur at tatlo pang kasama nito sa isinagawang buy-bust operation, na nag-resulta sa pagkakarekober ng mahigit P1 milyon halaga ng shabu sa Cavite Sabado ng gabi.
Kinilala ang dating konsehal ng Lanao Del Sur na si Haifa Hadjiasis, 50 anyos, ng B4, L4, Corner Vill Brgy. Burol Main, Dasmariñas City; Mila Sultan, 50 anyos, ng Excess Lot Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City, Esmael Dimasar, 18 anyos, ng Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City at Jabar Macalanggan, 27 anyos, ng Brgy. Burol Main, Dasmariñas City.
Sa ulat nI PSMsgt. Roberto Lacasa ng Dasmarinas City Police Station, dakong alas-9:30 kamakalawa ng gabi nang nagsagawa ng buy-bust operation ang mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Cavite at Dasmarinas CPS sa Brgy. Burol Main, Dasmarinas City, Cavite kung saan target ang suspek at nagresulta sa pagkakaaresto sa mga iba pang suspek .
Narekober sa kanila ang tinatayang 100 gramo ng shabu na may street value na P1,020,000, digital weighing scale, kulay blue na pouch na pinaglagyan ng hinihinalang shabu at marked money at isang kulay puti na Toyota Hi Ace na ginagamit sa pagdedeliver ng shabu.
Bukod sa nakuha sa ex-councilor, narekober din kina Esmael at Jabar ang ilang sachet pa ng hinihinalang shabu.

