Breaking News

Share this information:

MAHIGIT isang milyong bakuna na ang naiturok sa lungsod ng Maynila mula nang magsimula ang vaccination roll out noong Marso.

Ito ang ibinahagi ni Manila Mayor Francisco Domagoso sa pamamagitan ng isang anunsiyo na inilabas ngayong araw.

Sa naturang bilang, 657,748 ang nagamit para sa unang dose at 342, 273 naman para sa ikalawang dose.

Nagpapatuloy naman ang pagbabakuna sa mga ospital, eskwelahan at piling mga mall hanggang may suplay ng bakuna kontra COVID-19.

Patuloy din ang paghikayat ng alkalde sa mga Manilenyo na magpabakuna bilang karagdagang proteksyon laban sa nakamamatay na sakit  lalo na at may mga bagong variant kung saan may naitala na ring local cases ng Delta variant sa lungsod.

Ngayong araw, bagama’t idineklarang holiday, ipagpapatuloy pa rin ang COVID-19 mass vaccination.

Ikakasa ang unang dose para sa A1 hanggang A5 na mga priority group na gaganapin sa 12 paaralan at sa San Andres Sports Complex.

Ang mga nakatanggap naman ng unang dose ng Sinovac vaccine  noong June 22 ay babakunahan ngayong araw sa apat na mall at anim na eskuwelahan  na pansamantalang  ginawang vaccination sites.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: