Breaking News

Share this information:

NASA kabuuang 6,539 ang mga bagong kaso ng COVID-19 na naitala ng Department of Health ngayong araw, mas mababa kumpara sa 7,228 kahapon.

Sa ngayon, umaabot na sa 1,276,004 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa at sa nasabing bilang, 58,854 ang active cases o ang mga pasyenteng patuloy pang nagpapagaling.

Nasa 71 naman ang nadagdag sa bilang mga nasawi na mas mababa kumpara sa 166 na naitala kahapon at sa ngayon ay pumalo na sa 21,969 ang total deaths sa virus.

Kasama sa 71 naitalang nasawi ang 21 kaso na dating recoveries pero natukoy na namatay matapos ang final validation ng DOH.

Aabot naman sa 6,969 ang mga bagong gumaling na mas kaunti sa 7,372 naitala kahapon at sa ngayon ay nasa 1,195,181 na ang total recoveries.

Nasa 13.3 percent naman ang positivity rate o ang mga nagpositibo mula sa 45,047 na tinest.

Karamihan pa rin o 95.9 percent ng mga kaso ay mild at asymptomatic o walang sintomas.

Samantala, nilinaw ng DOH na bagamat operational ang lahat ng mga laboratoryo nuong Hunyo 5 na pinagkunan ng datos na inilabas ngayong araw, mayruong pito ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 document repository system.

Kung pagbabatayan ng DOH ang datos sa nakalipas na 14 na araw, ang kontribusyon ng nasabing pitong laboratoryo ay 3.1% ng lahat ng samples na nai-test at 5.4% ng mga nagpositibong indibidwal.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: