Mahigit 6,000 mga pasahero, stranded dahil sa Bagyong “Aghon”


TINATAYANG umabot sa 6,833 na mga pasahero, kasama na ang mga tsuper ng trak at cargo helper na mula sa Bicol, Eastern Visayas, Central Visayas, Southern Tagalog, at Northeastern Mindanao Region, ang na-stranded sa mga pantalan dahil sa bagyong Aghon nitong Sabado, ayon sa ng Philippine Coast Guard (PCG).

Sa isang pahayag, sinabi ng PCG na nakapag-ulat din ang kanilang command center ng 1,492 rolling cargo, 48 vessels, at 30 motor-bancas ang stranded din.

Bukod dito, 92 vessels at 20 motor-bancas naman ang nagkukubli para maiwasan ang masamang panahon dulot ng bagyo. 

Inatasan na ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gavan ang lahat ng concerned PCG district commanders para siguruhin ang “zero maritime casualties” sa gitna ng nasabing tropical depression.

Samantala, sinabi ni PCG Spokesperson Rear Admiral Armando Balilo na ang PCG Deployable Response Groups (DRGs) at rescue assets sa Visayas at Mindanao ay “all set” para tumulong sa mga lokal na pamahalaan sa mga evacuation at rescue operations.

CG Admiral Gavan also instructed PCG units to coordinate with other rescue agencies and to observe the fastest response time in responding to maritime incidents,” sabi ni Balilo.

Hinimok naman ng PCG ang mga pasahero na manatiling mapagmatyag at ang mga lokal na mangingisda ay huwag magsagawa ng mga aktibidad, lalo na ang pangingisda kapag masungit ang panahon.

Hinikayat din ang mga marino na obserbahan ang kaligtasan habang naglalayag sa karagatan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.