Mahigit 4,000 PDL kwalipikadong bumoto ngayong eleksyon 2025

NASA 4,125 Person Deprived of Libertys (PDLs) ang kwalipikadong bumoto sa darating na eleksyon sa Mayo 12, 2025.

Inatasan ni Bureau of Corrections (BuCor)Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang lahat ng Superintendents ng Prison and Penal farms sa bansa na siguruhin na maayos at mapayapang pagboto ng nasa 4,125 PDLs sa kanilang areas of jurisdictions sa darating na Lunes.

Ayon kay Catapang, nasa 4,125 qualified voters,  2,135 PDLs ang nasa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City; 924 mula sa Davao Prison and Penal Farm;  421 mula sa Leyte Regional Prison;  290 mula sa San Ramon Prison at Penal Farm sa Zamboanga del Sur;  140 mula sa Iwahig Prison at Penal Farm at Women’s Penal Farm sa Puerto Princesa, Palawan;  123 sa Correctional Institution for Women, sa Mandaluyong City; at 92 mula sa CIW-Mindanao.

Sabi pa ni Catapang, nitong nakalipas na Disyembre 2024, isang Memorandum of Agreement  (MOA) ang nilagdaan ng BuCor, Commission on Election (COMELEC), Public Attorney’s Office (PAO), at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) para isulong at ipatupad ang isang inclusive voting environment para sa mga PDL sa darating na 2025 National and Local Election (NLE), Bangsamoro Parliamentary Elections (BPE) and Subsequent elections.

Kabilang sa kwalipikadong botante ang mga nakakulong na naghihintay ng paglilitis sa korte; nasisilbi ng sentensya na wala pang isang taong nakapiit, mga nahatulan sa kasong rebellion, sedition,  violation of the firearms laws o krimen na may kinalaman sa national security o sangkot sa ibang krimen na may nakabinbing apela.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.