NAKAPAGTALA ng kabuuang 422 bagong kaso ng COVID-19 ang Philippine National Police (PNP).
Ayon kay Administrative Support to COVID 19 Operations Task Force Commander at PNP Deputy Chief for Administration Police Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, ito na ang pinakamataas na kaso na nadagdag sa PNP sa loob lang ng 1 araw.
Paliwanag ng opisyal, simula ng pag-atake ng pandemya aY nasa mahigit 100 at mahigit 200 lang pumapalo ang bagong kaso ng sakit sa PNP kahit pa may ‘surge’ o pagtaas ng mga kaso ng sakit.
Pinakamaraming bagong kaso ng COVID 19 ay mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) na may 214.
Sinundan ng Cagayan Police na may 33 kaso at Calabarzon Police na may 25.
Sinabi naman ni Vera Cruz na may 171 na bagong recruit sa PNP na unang nagnegatibo sa admission test ang nagpositibo sa COVID 19 makalipas ang re swabbing.
Samantala, 174 naman ang mga bagong gumaling sa PNP.
Dahil sa mga bagong nagkasakit at gumaling, 2, 501 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa PNP.
Wala namang nadagdag sa mga nasawi kaya nananatili ang bilang nila sa 108.

