Mahigit 150k na rehistradong botante, tinanggal sa listahan

Share this information:

UMABOT sa 156,427 rehistradong mga botante ang tinanggal sa listahan ng mga botante matapos ang Election Registration Board (ERB) hearing noong Abril 2021, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Ayon sa Comelec, inalis sila sa listahan dahil na rin sa ilang mga rason tulad ng karamihan na namatay na.

Sa mga namatay na, nasa 67,981 ang rehistradong botante ayon sa datos mula sa poll body.

Ang 66,069 botante ay tinaggal sa listahan matapos lumipat  sa ibang syudad o munisipalidad at 17,108 botante na may double entry ay kinailangan ding alisin.

Gayundin, nasa  2,704 na mga botante ang deactivated habang tatlong botante ang nag-apply para sa overseas absentee voting ang tinanggal.

Sa ngayon, nananatili  ang bilang ng rehistradong botante  sa 60,117,780.

Ang kabuuan naman ng mga botante ay 58,231,612, kung saan 1,226,412 ang mga bagong registered voters na inaprubahan  ng Electoral Registration Board hearing.

Aabot naman sa  816,183 ang mga botante na tutuntong sa edad 18 anyos bago ang araw ng halalan para makaboto.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.