NASA “low risk” na ang National Capital Region (NCR) ukol sa hawahan ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Alethea de Guzman, OIC-Director ng Department of Health (DOH) Epidemiology Bureau, ang average daily attack rate (ADAR) na lamang sa NCR sa nakalipas na dalawang linggo ay nasa 5.70 kada 100,000 population.
Ito ay mula sa 7.43 ADAR ng rehiyon noong May 23 hanggang June 5 dahil pa rin sa pagbaba ng kaso .
Gayundin ang Cordillera, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Calabarzon, Central Luzon, Mimaropa, at Bangsamoro region ay nasa low risk classification na rin.
Samantala, nasa high risk naman ang apat na lugar sa Visayas at Mindanao.
\Sa nasabing mga lugar, nakikitaan ang mga ito ng pagtaas ng kaso nitong nakaraang linggo.
Kabilang sa high-risk areas ang Caraga (9.95), Western Visayas (8.83), Davao region (8.16), at Soccsksargen (7.01).
Samantala, ang Eastern Visayas, Cagayan region, Central Visayas, Ilocos, at Bicol region naman ay nasa moderate risk na.
Ang hospital occupancy rate na 36.29 percent; at intensive care unit (ICU) utilization rate ay nasa 45.83 percent hanggang nitong June 21.

