Mahigit 1,000 Overseas Filipinos, balik ‘Pinas

Share this information:

Tinatayang aabot sa 1,370 Overseas Filipinos (OFs) ang panibagong batch na dumating ngayong araw (September 22) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Batay sa impormasyon na inilabas ng Media Affairs Division Office ng Manila International Airport Authority (MIAA), unang dumating sa bansa ang nasa 350 Pinoy repatriates mula Dammam via Philippine Airlines flight PR683 ETA 0945H.

Sumunod na dumating ang 350 Pinoy repatriates mula Qatar sakay ng Philippine Airlines flight PR685 ETA 0955H.

Habang ang 350 Pinoy repatriates mula sa Riyadh sakay ng Philippine Airlines flight PR654 ETA of 1200H.

Samantala ang 320 Pinoy repatriates mula Abu Dhabi sakay ng Etihad Airlines flight EY424 na naka schedule sanang dumating kahapon ay nare-schedule ang flight nito ngayong araw (Setyembre 22).

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.