Nasa walong police personnel ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang nadagdag sa talaan ng mga pulis na tinamaan ng nakamamatay na sakit na COVID-19 virus.
Sa press briefing ni NCRPO Director Police Major General Debold Sinas sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, sinabi nito na tumaas na sa 4,893 ang kabuuang bilang ng mga pulis na kumpirmadong tinamaan ng sakit sa buong National Capital Region (NCR).
Kasama sa nasabing bilang ang 238 mula sa 314 active cases ng virus habang nasa 2,138 mula 2,008 naman ang gumaling sa naturang sakit matapos madagdagan ang bilang ng mga pasyenteng naka recover mula sa virus.
Habang nanatili pa rin sa apat na NCRPO personnel ang nasawi kasama na rito ang isang police staff sergeant mula sa tactical motorcycle riding unit TMRU sa Pasig Police station.