“Maglagay ng PhilHealth ‘point person’ sa PRC” — Gordon

Hnikayat ng Philippine Red Cross (PRC) ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na magtalaga ng kinatawan nito na magsisilbing “point person” sa PRC upang mapabilis ang pagpapatunay ng mga claim ng mga miyembro na nagpapasuri para sa COVID-19.

Muling binanggit ni PRC Chairman/CEO Senator Richard Gordon ang panawagan matapos banggitin ng PhilHealth na mabagal ang proseso ng pagberipika ng mga claim kaya naging dahilan ng delay o pagkaantala ng pagtugon sa obligasyon nito sa PRC.

Sinabi ni Gordon na ang kanilang tini-test ay ang mga ipinapadala ng Philippine Coast Guard (PCG) at ng mga local government unit (LGUs) kaya ang tanong ng senador ay kung ang kakulangan ba ay sa mga pangalan.

“We test what they send us, what is the deficiency, in the names?,” ayon pa kay Gordon.

Binanggit din ng PRC Chair na ayon sa kontrata na kanilang nilagdaan ay dapat maglagay ng isang focal person ang PhilHealth sa PRC ngunit hindi nila ito ginawa at kapag humihingi aniya ng bayad ay marami silang kadahilanan.

Muling lumobo sa P823 milyon  ang obligasyon ng PhilHealth kung saan P687 milyon ay overdue.

Hiniling naman ng PhilHealth ang pang-unawa ng PRC para sa naantalang pagbabayad nito at sinabing kailangan nilang iberipika ang mga claim isa-isa bilang pagsunod sa mga patakaran sa accounting at regulasyon ng Commission on Audit.

Sinabi rin ng PhilHealth na nakadagdag sa delay ang kakulangan ng mga pangalan ng mga claimant.

Ayon kay Gordon, lahat ng mga dokumento na hinihingi sa kanila ay kanila nang naibigay ngunit mayroon  pa rin aniyang mga kadahilanan.

Giit ni Gordon, kung mapipilitan silang tumigil dahil hindi na kaya ang mga gastos, mas mapanganib aniya ito para sa bansa lalo na sa pagti-test laban sa bagong variant. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.