Magkapitbahay kulong sa “pusoy dos”

KALABOSO ngayon ang magkapitbahay nang mahuli ng pulisya na naglalaro ng ilegal na sugal na pusoy dos sa Malabon City.

Ayon sa Malabon City Police, nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Illegal Gambling ang mga naarestong suspek na sina Jhonnyfer Balngao, 49 at Macario Bagunas, 45, kapwa ng residente ng Brgy. Potrero.

Sa ulat na ipinarating nina PSSg Jeric Tindugan at PSSg Jose Romeo Germinal kay Malabon City police chief Col. Angela Rejano, dakong 1:50 ng hapon ng Lunes habang nagsasagawa ng foot patrol ang mga tauhan ng sub-station 1 Potrero sa kahabaan ng Banana Road nang makita nila ang mga suspek na naglalaro ng ilegal na sugal.

Agad na dinampot ang dalawa at narekober mula sa kanila ang isang deck ng playing cards at P140.00 bet money.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.