Mag live-in partner, timbog sa drogang “Ecstasy”

Share this information:

Aresatado ang maglive-in partner matapos mahulihan  ng P850 libong halaga ng ecstasy tablets sa Maynila.

Ayon sa MPD-PS7, kapwa 18 anyos lamang ang maglive-in partner  na sina Paul Chester Borja  at live-in partner nitong anim na buwang buntis na si Crisette .

Dagdag pa ni MPD-PS 7 Drug Enforcement team chief P/Lt. Joan Dorado,  nasa 500 daang tablet ang nakuha  sa mga suspek.

Kadalasan umanong parokyano ng mga suspek ang mga patagong nagpaparty sa mga hotel sa Caloocan, Quezon City at Manila.

Sa pamamagitan umano ng pag-o-oonline selling nag-kakaroon ng katransaksyon ang mga suspek na nasukol habang sakay ng isang kotse na kulay puti.

Target umano sa operasyon ang lalaking suspek na aminadong nakagamit na ng ecstacy at tatlong beses na ring nakabenta.

Ayon kay  Paul Chester, pinapa-benta lamang sa kanya ang party drugs sa kagustuhang kumita habang itinanggi naman ng kanyang live-in partner na hindi ito gumagamit at nagbebenta ng ecstasy. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

PDU30 not attending Biden inauguration, sends envoy instead

Wed Jan 20 , 2021
PHILIPPINE President Rodrigo Duterte is not attending the presidential inauguration that would mark the presidency of Joe Biden in the United States. Instead, Duterte would be sending Manila’s envoy to Washington Jose Manuel Romualdez to represent the Philippines in the event today. In a television interview, Romualdez, however, would rather […]

Follow Us

%d bloggers like this: