Mag-ingat sa heat stroke sa panahon ng El Niño, payo ng DOH sa publiko

PINAALALAHANAN ng Department of Health (DOH) ang publiko na mag-ingat laban sa mga sakit na dulot ng init ng panahon ngayong nakakaranas ng matinding El Niño phenomenon sa bansa.

Partikular na pinag-iingat ni DOH Secretary Ted Herbosa ang mga bata at nakatatanda na mas apektado ng tagtuyot na inaasahang tatagal hanggang ikalawang kwarter ng taon.

“‘Yung heat illness, pwedeng tumindi ‘yun. Syempre may sunburn, meron kang heat exhaustion, parang fatigue na pagod na pagod ka kapag matagal ka sa araw. So, you need to protect yourselves,” saad ni Herbosa sa isang media forum.

Ayon kay Herbosa, kapag nakaramdam ng heat exhaustion at hindi pinansin ay maaari itong maging heat stroke.

Binigyang-diin din ng kalihim na ang mga nawalan ng malay dahil sa heat stroke ay maaaring mamatay kapag hindi sila na-revive agad.

Ang mga sakit na dala ng tubig tulad ng talamak na gastroenteritis, gayundin ang mga sakit na dala ng vector tulad ng dengue ay maaari ding lumaganap sa mainit na panahon.

Sinabi ng state weather bureau Philippine Atmospheric, Geophysical Astronomical Services Administration o PAGASA na ang isang “matinding” El Niño phenomenon ay kasalukuyang nararanasan at patuloy na mararanasan hanggang Pebrero ngayong taon.

Ang El Niño ay malamang na magpapatuloy hanggang sa panahon ng Marso-Abril-Mayo, at lumipat sa El Niño Southern Oscillation (ENSO)-neutral sa panahon ng Abril-Mayo-Hunyo, dagdag pa ng PAGASA. 

Ang National Weather Service ng US ay tumutukoy sa ENSO bilang isang “paulit-ulit na pattern ng klima na kinasasangkutan ng mga pagbabago sa temperatura ng tubig sa gitna at eastern tropical Pacific Ocean.”

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.