Petisyon hinggil sa “Cha-Cha,” wala pa — Comelec

NAGPALIWANAG ang Commission on Elections (Comelec) na bahagi ng kanilang tungkulin na kolektahin ang lahat ng signature form kaugnay sa panawagan ng mga grupo para sa Charter Change (Cha-Cha) sa pamamagitan ng people’s initiative, ngunit tiniyak nito sa publiko na walang pormal na nai-file pa.

Ayon kay Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, kailangan lamang bilangin ang pirma tulad ng nilalaman ng signature pages.

Dagdag pa ni Laudiangco, mahigit 300 bayan at munisipalidad sa buong bansa ang nakatanggap ng signature forms pero tiniyak nito sa publiko na wala pang pormal na petisyon na naihain para sa pagsusulong ng Cha-Cha.

Binigyang-diin din ni Laudiangco na inaalis lang ng poll body ang anumang mga duplicate.

‘Yung determination po kasi if they were able to hurdle the three percent minimum requirement for each legislative district and the 12 percent nationwide, it depends upon the proponent,” dagdag niya.

Pagkatapos ay ibibigay ang mga sertipiko na nagsasaad ng bilang ng mga botante na pumirma, na ibibigay naman sa mga tagapagtaguyod. 

Paliwanag pa ni Laudiangco, magiging bahagi ito ng mga dokumentong isusumite sa clerk ng Comelec sa oras na matukoy ng partidong nag-eendorso sa petisyon na natugunan nito ang mga kinakailangan sa porsyento.

After that, the clerk of the commission will evaluate this petition and submit to the en banc its decision as to whether or not they were able to comply with sufficiency in form and substance,” saad ng tagapagsalita ng Comelec.

Kapag napagpasyahan ng en banc na ang lahat ng requirement ay nasunod, maglalabas ito ng kautusan para sa beripikasyon. Ibig sabihin na ang lahat ng pirma ay ibeberipika upang masiguro na ang mga botante na pumirma ay rehistradong botante at aktibo ang estado at kung magtutugma ang kanilang pirma sa database ng Comelec.

Ibibilang ang validated signature saka maglalabas ng ibang sertipikasyon, ayon kay Laudiangco.

Binanggit din niya na kahit Isang legislative district lamang ang bigong maabot ang three percent requirement, ang petisyon ay ibabasura kaya walang plebisito na itatakda.

Sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na hiniling ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Senado na pangunahan ang pagrepaso sa mga probisyon sa ekonomiya ng Konstitusyon.

Sa kabila nito, sinabi ni Laudiangco na ipagpapatuloy ng Comelec ang kanilang tungkulin.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.