Breaking News

Share this information:

PASOK sa kulungan ang tatlong umano’y big-time drug pushers kabilang ang isang online seller at kanyang ina matapos makuhanan ng higit sa P17.5 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan city, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong mga suspek na sina Josephine Rada, 59, Mae Jane Rada, 23, Online Seller at Bon Joni Visda, 25, pawang residente ng B53 L3 Phase 12, Brgy. 188, Tala.

Sa report ni Col. Mina kay Northern Police District (NPD) Director PBGEN. Nelson Bondoc, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Caloocan Police Drug Enforcement Unit (DEU) mula sa isang Regular Confidential Informant (RCI) hinggil sa umano’y illegal activities ng mga suspek kaya’t isinailalim ang mga ito sa isang linggong validation.

Nang makumpirma na tama ang ulat, ikinasa ng mga operatiba ng DEU sa pangunguna ni P/Major Deo Cabildo, kasama ang PDEA Northern District Office, 6th MFC RMFB-NCRPO at Tala Police Sub-Station sa ilalim ng pangangasiwa ni Col. Mina ang buy bust operation sa bahay ng mga suspek dakong 5:10 ng hapon.

Kaagad inaresto ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng P75,000 halaga ng droga si PCpl Albert Alan Badua na nagpanggap na buyer.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 2 kilos at 575 grams ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P17,510,000.00 at buy bust money na binubuo ng isang tunay na P1,000 at 74 pirasong P1,000 boodle money. Kugnay nito, pinuri naman ni NCRPO RD PMGEN Vicente Danao Jr. ang Caloocan police sa pamumuno ni Col. Mina dahil sa matagumpay na drug operation.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: