Natimbog ng pulisya ang isang mag asawa na sinasabing tulak umano ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Pasay City, araw ng Martes, September 29.
Naka piit sa custodial facility ng Pasay City Police Office (PCPO) ang mag-asawa na sina Rosario Dela Cruz, alyas Nene, 47 at Delfin Dela Cruz, alyas Delfin, 48, kapwa naninirahan sa 284 Primero De Mayo Street, Barangay 91, Zone 9 sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat ni Police Corporal Zeus Rex Magdasoc, isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) alas 10:15 ng gabi sa pangunguna ni Captain Cecilio Tomas Jr. laban sa mag-asawa kung saan nahulihan ang mga ng mga kontrabando.
Nasamsam mula sa posesyon ng dalawa ang nasa 16 pirasong pakete na naglalaman ng shabu na tumitimbang ng 16.79 gramo na nagkakahalaga ng P 114,172.00; P200 buy bust money; digital weighing scale at isang transparent plastic pouch.
Dinala ang mga ebidensiya sa SPD Crime Laboratory para suriin habang nahaharap naman sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mag-asawa.