Tinatayang aabot sa 1,792 bilang ng mga repatriated Overseas Filipinos (OFs) ang panibagong batch na bumalik sa bansa ngayong araw ng Miyerkules, September 30.
Unang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang nasa 350 Pinoy repatriates sakay ng Philippine Airlines flight PR659 mula sa bansang United Arab Emirates pasado alas 8 ng umaga.
Sumunod na dumating ang 350 OFs mula naman sa bansang Jeddah sakay ng Saudia Airlines flight SV862 na lumapag dakong ala 1:40 ng hapon.
Lulan naman ang nasa 320 Pinoy repatriates mula Dubai sakay ng Emirates Airlines flight EK332.
Nasa 200 repatriates mula Haneda sakay ng Philippine Airlines flight PR421 ang dumating pasado alas 4 ng hapon.
Inaasahan din ang pagdating ng nasa 272 repatriates mula Guangzhou, China sakay naman ng Philippine Airlines flight PR315 na darating ng alas 9:00 ng gabi at alas 10:05 ng gabi naman ang lapag ng Asiana Airlines flight OZ703 sakay ang 300 Pinoy repatriates mula sa Korea.