Bakuna tuloy sa panahon ng pandemya

Sa kabila ng nararanasang pandemya sa bansa ay patuloy ang pagsasagawa ng lokal na pamahalaan ng Calamba at Department of Health DOH Region 4-A sa pamimigay ng bakuna kontra Polio sa mga batang nasa edad 5 pababa.

Inilunsad kamakailan ang “Sabayang Patak Kontra Polio”, na isang door-to-door vaccine para sa mga bata na hindi pinapayagang lumabas ng bahay.

Taong 2019 nang muling nakapagtala ng sakit na Poliomyelitis o Polio sa Pilipinas. Ito ay matapos ang 19 na taon at nagmula ito sa lungsod ng Calamba.

Sa pamamagitan ng Facebook page ni Calamba City Mayor Justin Chipeco, hinihikayat nito ang lahat ng ina sa lungsod na may anak na 5 taon pababa na hindi pa napatakan ng kontra Polio na dalhin sa mga barangay o sa mga pediatrician upang mabakunahan.

Ito ay libre o walang bayad na makukuha maging sa mga barangay.

Ayon kay Dr. Eduardo Janairo, Regional Director ng DOH 4-A, huwag matakot ang mga ina na pabakunahan ang kanilang mga anak,  dahil sa ligtas naman umano ito.

Patuloy na mag-iikot sa buong Calabarzon ang DOH 4-A upang magbigay bakuna sa mga bata kahit pa nahaharap sa banta ng COVID-19 pandemic.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.