BUMISITA si Pangulong Rodrigo Duterte sa Jolo, Sulu upang makiramay sa mga biktima ng kambal na pagsabog nuong nakaraang linggo na ikinasawi ng may 15 taon at mahigit 70 sugatan.
Sa larawang ibinahagi ni Senador Christopher “Bong” Go, makikitang nakasuot ng facemask ay hinalikan ni Duterte ang ground ng pinangyarihan ng pagsabog.
LOOK: Pangulong Rodrigo Duterte, hinalikan ang lupang pinangyarihan ng pagsabog sa Jolo, Sulu.
— Frontpage PH (@newsfrontpagePH) August 31, 2020
📸Sen. Christopher Bong Go pic.twitter.com/QchZyXBeAp
Nag-alay din ng mga bulaklak at panalangin ang Pangulo sa blast site bago nagtungo sa Camp Teodolfu Bautista para bisitahin ang mga sugatan sa insidente.
Nauna nang kinondena ng Malakanyang ang malagim na mga pagsabog sa Jolo.