SINIMULAN na ngayon ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang puspusang paghahanda para sa pagdaraos ng face-to-face classes sa mga paaralang nasasakupan nito.
Kabilang dito ang dis-infection ng mga paaralan sa tulong na rin ng Manila Health Department (MHD).
Ayon sa impormasyon na inilabas ng Manila Public Information Office, sinimulan na ng MHD ang pag lilinis o pag dis-infect sa mga silid aralan sa mga public schools sa buong lungsod.
Nakiisa rin sa nasabing aktibidad ang Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) kung saan preparasyon na rin ito sa muling pagbabalik ng klase base na rin sa kautusan ng Department of Education.