NAGING mainit ang ginawang pagtanggap ng ABS-CBN sa bago nitong Kapamilya
na si Lovi Poe, na ibinahagi naman ng network sa social media platform na Twitter.
“Lovi Poe is now officially a Kapamilya,” ang tweet na ibinahagi ng ABS-CBN kasama ang litrato kung saan ipinapakitang opisyal na pumirma ng kontrata ang aktres.
Masaya rin na ipinahayag ni Lovi sa kaniyang Twitter post ang kanyang pagiging bagong aktres sa ABS-CBN. Sa isang post nito na mayroong litrato niya ay may caption pa itong “Para sa ‘yo, Papa.”
Nabanggit naman ng dalaga sa kaniyang unang press conference bilang Kapamilya ang nararamdaman nito sa paglipat ng network. Sinabi niyang napalapit siya sa network na itinuring ng kaniyang ama na tahanan.
“It makes me feel close to my father as well, this was my dad’s home and I’ve always longed for that love and the fact that I’m here makes me feel a lot closer to him,” paliwanag ni Poe.
Nais din ng aktres na i-remake ang iconic role ng kaniyang ama na “Panday,” at sinagot din naman ng sexy star ang tanong sa kaniya kung handa ba itong sumali sa “Ang Probinsyano,” na sinagot naman nito ng may buong kasabikan.
“Well let’s see! Abangan! We have different sets of fans. That would be nice,” sagot nito.
Hanggang ngayon ay patuloy naman na nakakatanggap ng pagbati at suporta ang aktres mula sa kaniyang fans at sa mga netizens.
(PHOTO CREDIT: gmanetwork.com)

