Lola, sawi sa aksidente sa motorsiklo

Nasawi ang isang 69-anyos na lola matapos siyang salpukin ng isang motorsiklo habang tumatawid sa kalsada sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Binawian ng buhay si Guadalupe Agpalo ng 497 Camia St. Malaria, Tala, Brgy. 185 habang ginagamot sa East Avenue Medical Center sa Quezon City sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan.

 Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang driver ng motorsiklo na si John Angelo Ranille, 20 anyos, at residente ng 27 Camia St. Malaria, Tala.

Ayon kay Caloocan police traffic investigator P/Cpl. Froilan Dela Rosa, binabagtas ni Ranille ang kahabaan ng Malaria Road dakong alas 7 ng gabi nang mabangga nito ang biktima na tumatawid malapit sa kanto ng Tabon St., Brgy. 185 Tala.

Sa lakas ng pagsalpok ng motorsiklo, bumagsak ang biktima sa kalsada na naging dahilan upang mabilis na isinugod ito sa naturang pagamutan habang kusang-loob naman na sumuko sa pulisya si Ranille.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.