Local variant ng coronavirus sa PH, posible

Share this information:

POSIBLENG nagkaroon ng local variant ng coronavirus ang Pilipinas tulad ng naitala sa United Kingdom, Brazil at South Africa, kung patuloy na tataas ang bilang ng mga tinamaan ng bagong UK variant.

Ito ay matapos na kumpirmahin ng Department of Health (DOH) na nagkaroon na ng local transmission sa Bontoc Mountain Province.

Paliwanag ni Director Cynthia Saloma ng Phil. Genome Center, sakaling tumaas pa ang bilang ng mga tatamaan ng bagong variant ay maituturing na itong local PH variant.

Nagsagawa na ng genome sequencing sa mga samples na nakuha sa mga covid patients upang matukoy kung positibo sa bagong covid variant.

Sa kasalukuyan,naitala sa Bontoc Mt. Province ang pinakamataas na bilang ng tinamaan ng UK variant ng covid.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Distributor daw ng ilegal na droga: Mag-asawa, pinagbabaril sa loob ng bahay, anak, dinukot ng armadong grupo

Tue Jan 26 , 2021
PATAY ang mag-asawa ng sabay silang pagbabarilin makaraan silang pasukin sa loob ng kanilang bahay at dukutin pa ang kanilang panganay na anak na lalaki ng armadong grupo sa Binan City, Laguna, gabi ng Lunes. Dead on the spot bunsod ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa ulo […]

Follow Us

%d bloggers like this: