Distributor daw ng ilegal na droga: Mag-asawa, pinagbabaril sa loob ng bahay, anak, dinukot ng armadong grupo

Share this information:

PATAY ang mag-asawa ng sabay silang pagbabarilin makaraan silang pasukin sa loob ng kanilang bahay at dukutin pa ang kanilang panganay na anak na lalaki ng armadong grupo sa Binan City, Laguna, gabi ng Lunes.

Dead on the spot bunsod ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa ulo at katawan ang mag-asawang sina Jose Gary Domingo Sr. at Loida Domingo sa kanilang bahay sa Zone 1 Dulong Ilaya, Barangay Malaban.

Batay sa report na isinumite kay Police Lt. Col. Giovanni Martinez, chief of police ng Binan City, pasado alas 10 ng gabi ng pasukin ang bahay ng pamilya Domingo at ng abutan sila ng mga suspek ay pinaputukan agad ang mga ito.

Pero bago pa nagsitakas ang mga salarin ay dinukot pa umano ang anak na si Jose Domingo Jr. at isinakay sa isang SUV na kulay itim.

Nabatid sa imbestigasyon na pinaghihinalaang distributor at financier ng ilegal na droga ang mag-asawa sa kanilang lugar at iba pang kalapit na bayan ng Binan.

Isa sa mga motibo na tinitingnan ng mga awtoridad kung sangkot nga ba ang mag-asawang Domingo sa illegal drug trade.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.